Sleep Talk
Let’s talk about the all sacred sleep. How long can you sleep during day time? How long will it take until you totally get adjusted with graveyard shifts and day sleep?
Naalala ko, bago ako pumasok sa trabahong ito, tinanong ako ng nanay kung kaya ko daw bang magtrabaho sa gabi. Dahil sa may katiting naman akong tiwala sa sarili, sabi ko naman, “kayang kaya, ako pa”. dahil nga napasubo na sa kayabangan, pinilit kong pumasa sa interview, ginalingan kong mag-ingles dahil cute yung nag-iinterbyu, awa ng Diyos, ayun pumasa naman. Nag umpisa ang training, madali lang ang consonant at vowels, sinabihan na kasi ako dati sa kung anong dapat kong ieexpect, pero ampohta, walang nagsabi sa akin na mahirap matulog sa araw.
Ilang araw akong apat na oras lang ang tulog, pumapasok ako sa trabahong namumungay ang mata, parang bisugong lasing ang hilatsa ng mukha. Ang hirap matulog, ang nakakatawa pa, pag tinanong ka kung bakit parang inaantok ka, ang sagot mo; “di ako nakatulog buong araw eh?” Ayan, diyan mo marerealize na baliktad na mundo mo. Napupuyat ka na sa araw, kaya inaantok ka na sa gabi.
Kinakabahan na ako sa kulang kong tulog, nag research ako sa internet about sleep deprivation para naman medyo mafamiliarize ko ang sarili ko sa kawalan ng tulog at para mawala na din kaba ko sa kalusugan ko. Pero naknanggalunggong, alam mo ba kung anong nahanap kong topic? Eto- How lack of sleep could shorten your life. Diyos na mahabagin, sino naming Poncio Pilato ang makakatulog sa topic na yan. Parang nananakot.
Eto ang listahang ng mga topics and facts na hindi nagpatulog sa akin ng ilang araw. Pagpalain nawa ang mga author na nagsulat nito, asshole. More »


