About the Author

Most Asked Interview Questions For an Agent Job.

Let me write in tagalog this time. I have been speaking in English all night.

Ito po ay isang lathalaing gabay na naglalayong tulungan ang mga kapatid na nagnanais pasukin ang mundo ng pagiging call (center) boys at call (center) girls ( ang lalim, hindi ko maarok, nalulunod ako!). Ang mga gabay na nakasaad sa ibaba ay mga tanong na natanong sa akin sa hinaba haba ng career ko bilang call center hopper.

Tell us something about yourself.
-ang tanong na ito ay ang karaniwang intro ng mga interviewer. Bakit? Kasi kahit na maigsi ang tanong na ito naghahanap ito ng mahabang sagot. Gets? Hindi? Bahala ka sa buhay mo!
Ang purpose ng tanong na ito ay para I-gauge ang grammar construction mo, Ang iyong pronunciation (kung paano mo I “pronunce” ang salita), kung may provincial accent ka ba at ang thought organization mo. Medyo nadali lang malaman kung okay ba ang presentation mo sa iyong thoughts and idea, ang sikreto diyan ay obserbahan mo lang ang mata ng nag-iinterview sayo, kung may stupid na ngiti sa  mukha niya at ang mata niya ay mukhang naluluha na para bang nakasakay siya sa roller coaster, ibig sabihin noon, huminto ka muna sa pagsasalita, at I-reorganize mo ang thoughts mo.

Cite an instance when you have to go the extra mile just to please a customer
-Ito naman yung tanong na kadalasan tinatanong sa mga aplikanteng may experience na sa call handling. Ito yung promote-yourself-segment ng question and answer. Itong part na ito yung paguwapo/paganda stage. Karaniwang mga kasinungalingan ang lumalabas na sagot sa tanong na ito. Sinong kokontra? Wala namang masama sa pagbubuhat ng sariling bangko pagdating sa job interviews. Natural lang yon kasi nga ibinebenta mo ang sarili mo sa kumpanya. (Iba yun sa pagbebenta ng laman) ‘wag mo lang sobrahan ang kuwento mo to the extent na OA na ang dating sa nakikinig. Okay? Baka kasi mas lalo kang hindi tanggapin sa trabaho.

Why apply in a call center?
-Isa sa pinaka nakakapraning na tanong. Ampohta, kung may bakanteng posisyon sa world bank na qualified ako, o di naman kaya ay government job na hindi ako tatanungin kung sinong padrino ko o di kaya’y uupo lang ako sa bahay na binabayarang magpalaki ng balls. hindi ako magpupuyat sa call center at magtiis murahin ng kung sino-sinong Poncio Pilato. Pero kahit sobrang banas ka na sa tanong (kasi anim na call center na ang inaplayan mo ngayong araw, pare pareho ang tanong pero hindi ka pa rin pumapasa) kailangan mo pa rin saguting ng maayos ang tanong. Kung hindi mo masagot ng diretso, gawa ka ng kwento. Kunyari ay namamatay na sa gutom ang alaga mong pusa at kailangan mo ng pambili ng pagkain niya. Yung mga ganoong drama. Ang importanet dito, maayos ang presentation mo.

You’re applying for a customer service position. What is your idea of a customer service representative’s Job?
-This is a very sticky part in the interview, a very tricky one. Madalas mabiktima dito ang mga newbies. Know the job that you are applying for, this is one tip that you should pay attention to. Your job as a call center representative is to answer queries or assists customers subscribed to the programs of the companies that you support. Halimbawa (yan, nanagalog na) ang account na pinaglagyan sa’yong account ay ang Metro Bank of the Philippine Islands. Isang bangko, Malamang ang trabaho mo ay Tumanggap ng tawag mula sa kliyente ng bangko na nagtatanong tungkol sa balanse ng bank account nila, o di naman kaya ay kung kelan ang due date ng credit card bills nila. Depende kasi yan kung saang campaign ka nila ilalagay. Gets?

There are a lot of call centers in the country? Why did you choose to apply with _____________________ (Put Name of the compan on the blank)?
-Ito yung ego-stroking, corporate-sucking, ass-kissing portion ng Q&A. Dito kailangan mong purihin ang kumpanya. Yun bang tipong ang dialogue mo eh: I heard that this is one of the best call centers around, It is very stable,  and I heard that you take good care of your employees. Ito ay kahit na ngayon mo lang narinig ang pangalan ng kumpanya, o di naman kaya ay hinila ka lang ng isang taong nakilala mo sa pag-aaply sa kabilang call center at ang retention rate ng kumpanyang inaaplayan mo e questionable dahil mas mabilis pa sa alas kuwatro ang pagreresign ng mga empleyado.

Kahit gaano pa karami ang tanong na ibato nila sa iyo, saluhin mo lang, ang importante ay saguting mo ito ng maayos. Make sure that your thoughts are organized, that you talk clearly, that you are understood by the person you talk with and that you are realistic with your expectations.

Happy Job Hunting to everyone!


RSS Feed for This Post25 Comment(s)

  1. Ron | Nov 30, 1999 | Reply

    that's good to know. Good luck

  2. Ron | Nov 30, 1999 | Reply

    :)

  3. Ron | Nov 30, 1999 | Reply

    Try lang ng try, mahahasa ka din, hehehe

  4. leony | Nov 30, 1999 | Reply

    hehe ganyan din me gudluck n lang sa tin..

  5. cassandra24 | Nov 30, 1999 | Reply

    ron wish me luck,, its my 2nd time applying as a call center agent… learned something from you..

  6. christopher | Nov 30, 1999 | Reply

    hey bro this is chris, any other interview questions? i already tried once but i didnt reach the final interview..they rejected my application coz im not qualified..what are the qualifications for a job in a call center? the reason nga pala is di ako full second year college…
    aniway thanks for those questions you posted they gave an extra knowledge to me..

  7. jei | Jun 23, 2009 | Reply

    Mama mia! Naaalala ko tuloy yung job-hunting days ko. Syempre 'nung kapanahunan ko pa ay wala pang call centers. Madalas ako naii-interbyu sa mga hotels. Eh pano, yun lang naman kasi ang alam kong pass-an ng application letter at resume. Hindi ako confident pag dating sa pa-impress. Pag oral communication na ang labanan, zero to the max ako. Madali lang kasi akong nirbyusin. Makakita lang ng mamang naka neck tie, wala na, hihimatayin na ako.

  8. Basti | Jun 23, 2009 | Reply

    wow, nice tips ron! hehehe parang ang galing galing mo talaga ah. ako walang kwenta pero tumagal din kahit papano. Diskarte lang talaga cguro at wag lang kabahan, kasi nasa confidence lang cguro at pagiging natural ang lahat.

  9. Ron | Jun 23, 2009 | Reply

    Hahaha. J dapat pala may baon kang ammonia everytime na may interview ka.

  10. Ron | Jun 23, 2009 | Reply

    Hindi ako magaling. Makapal lang talaga ang mukha ko. hahahaha

  11. hindiakoto | Jul 16, 2009 | Reply

    Nice tips. :) Kaso lang effective ba talaga 'to:
    " Kunyari ay namamatay na sa gutom ang alaga mong pusa at kailangan mo ng pambili ng pagkain niya. Yung mga ganoong drama. Ang importanet dito, maayos ang presentation mo."
    ?

    Sa mga nabasa ko kasi di daw dapat magpaawa. Dapat daw yung tipong tatanggapin ka ng kumpanya hindi dahil sa nakakaawa ka kundi dahil sa mapapakinabangan ka ng kumpanya na yun.

  12. Ron | Jul 19, 2009 | Reply

    Nice point. Lahat naman sa call center magkakaroon ng pakinabang pag hired ka na. sa dami ng metrics na kailangan mong maabot, papakinabangan ka talaga ng kumpanya. Effective? depende sayo? What I am trying to point out is the fact that everything pedends on your presentation. They don’t care about the story you tell, they care about your thought presentation. So patay man ang pusa mo o hindi, it won’t make any difference.

  13. mhavic | Nov 18, 2009 | Reply

    help me naman gusto ko din makpag work as call center agent…

  14. JIE | Dec 3, 2009 | Reply

    u hve chosen the ryt word ''CONFIDENCE''

  15. eirol | Jan 17, 2010 | Reply

    naka2long ng marami ang nbasa ko sa site na to, for interview kasi ako ngaun sana mkatulong ang nbs kong advice.

  16. christine | Jan 23, 2010 | Reply

    ui thank you huh hehe 1st time koh mag aapply ehh qea wula pah maxadong alam hehe t.y tlaga

  17. john | Feb 21, 2010 | Reply

    hi! i'm planning of applying as a csr or tsr in any of the bpo companies however my concern is san b ung company n medyo may edad n mga employee nila? say between 35 to 45 kc pagkakaintindi ko mga bata p mga empleyado sa call center. alam mo na baka hindi ako maka relate kung puro mga bagets kasama ko.

  18. xtian | Apr 6, 2010 | Reply

    yeah ron it is all about the content of your answer, besides the hell they care of whatever is happening to your life as long as they can use you for their success.

  19. ish | Apr 16, 2010 | Reply

    ang kewl nmn ng post na toh..i must admit n mas marami akong natutunan dito kesa s ibang mga nasearch ko na..wala..astig..now i'm just waiting for my final interview..pero tuloy apply pa din s iba..mahirap n e,baka mamatay sa gutom ang alaga kong pusa..

    @hindiakoto:fallacy nga nmn ang magpaawa pero aun,i agree n it all depends on your presentation..

  20. blues | May 11, 2010 | Reply

    hahaizt im a new newbiez hahaha good luck to my self…

  21. rharha | Jun 17, 2010 | Reply

    HAHAHAHA.you're right. I've been applying for ps for 5 times yet i still get rejected.hahaha.kabisado Q na exams and final interview.operations and client interview aQ lgi soplak.

  22. carlos | Jun 23, 2010 | Reply

    he he he natatawa namna ako just reading your advices,kase lage namna akon confident whaen it comes to an interview,di ko lang mapaliwanag kung baket ako bumabagsak,sabe na lng saken,im qwiet impress with your answer'"s end your backgrounds,but the thing is there is something wrong with your pronunciation,eh di nya naman inexpalin kung anung word yung binibigkas ko ng male,end i think shes not even fit for the job,becouse,she speak in a very slow intonation that is qwiet annoiying,graaaa kakainis xa,end she keft on saying ,could you pls speak a little slower, imean if you cant keep up with me taking like a newyorker then what is she still doing there,is she acctually working or bending over!

  23. drink | Jan 6, 2011 | Reply

    simple pro pmatay.. haha.. i’ve learned a lot from your tips bro.. :))

  24. admin | Jan 19, 2011 | Reply

    Good Luck

  25. kaspersky | Mar 20, 2011 | Reply

    interview ko bukas tnx!!

RSS Feed for This PostPost a Comment